Header Ads

MANILA, Philippines - Nakatakdang ilipad papuntang Maynila ngayong Martes ang bangkay ng Aleman na pinugutan ng bandidong grupong Abu Sayyaf.
Sinabi ni Capt. Jo-Ann Petinglay, tagapagsalita ng Western Mindanao Command (Westmincom), na natapos na nila ang documentation ni Juergen Gustav Kantner.
Ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang tatanggap ng mga labi ni Kantner bago ibigay sa German Embassy.
Sinabi pa ni Petinglay na kahapon lamang natapos ang forensic investigation at death certificate ni Kantner kasunod nang pagkarekober ng bangkay niya.
Close Ad X

Natagpuan ang pugot na ulo at katawan ni Kantner sa Sitio Talibang, Barangay Buanza, sa bayan ng Indanan nitong Sabado, halos isang linggo matapos siyang pugutan ng ulo.
Pinatay ang bihag na Aleman matapos walang matanggap na P30 million na ransom ang bandidong grupo noong Pebrero 26.

No comments