MANILA, Philippines — Isiniwalat ng Malacañang ngayong Martes ang tangkang panunuhol kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na tinanggihan ng Pangulo ang tangkang panunuhol ng hindi pinangalanang tao o kompanya.
"I think that should be better kept. It was because he was not making a big statement. It was being discussed within the Cabinet,” sabi ni Abella.
Tumanggi rin namang kumpirmahin ni Abella kung ang Might Corporation ang kompanyang nagtangkang manuhol sa pangulo.
"I don't have any opinions regarding the matter. Some things were discussed in the Cabinet and it's best to leave it there for the moment," dagdag ng tagapagsalita.
Nahaharap ang kompanya ng sigarilyo sa iba’t ibang kaso matapos makumpiska ang bilyung-bilyong halaga ng mga pekeng sigariylo sa limang bodega nila sa Pampanga.
Sinabi ni Abella na ipinauubaya na lamang niya ito sa Department of Justice.
Nagbabala rin ang tagapagsalita sa mga magtatangkang suhulan si Duterte.
“They should be scared because the law will come down full force upon them. The president puts priority on anti-crime, anti-corruption and anti-illegal drugs. That’s part of his three-point campaign promise.”

No comments