Baniqued, Manayon nagdomina sa IronKids
SUBIC - Kinailangan ni multi-titled Wacky Baniqued na humugot ng lakas sa dulo ng karera, habang nanggulat naman si Karen Andrea Manayon para pamahalaan ang Alaska IronKids Triathlon sa Remy Field dito kahapon.
Humataw si Baniqued sa huling 3.2K run para ungusan si Clifford Pusing sa finish line at pagharian ang boys’ 13-14 division.
Sina Baniqued at Pusing ay nagsumite ng magkatulad na oras na 42:31.
“It was my first time to experience racing neck-and-neck here and I’m happy to pull through,” ani Baniqued, naipanalo ang lahat ng kanyang tatlong karera sa 2016 Alaska IronKids.
Sa kanyang huling taon sa circuit na inorganisa ng Sunrise Events, Inc. at itinaguyod ng Alaska Milk, sinabi ni Baniqued na gusto niyang isara ang kanyang kampanya sa pamamagitan ng tagumpay.
Nanguna naman ang tubong Talisay, Cebu na si Manayon sa distaff side sa kanyang winning time na 48:27 kasunod sina runner-up Kristana Erica Derrada (51:38) at third placer Angelina Powell (52:57).
Ang Alaska IronKids ay nagsilbing opening activities para sa Century Tuna Ironman 70.3 weekend sa dating US naval base.
Matapos ipakita ng mga bata ang kanilang husay ay sumabak naman ang mga Superbods finalists sa Superbods Underpants Run na nagsimula at natapos sa Subic Yacht Club.
Ang iba pang IronKids winners ay sina Zedrick James Borja at Moira Frances Erediano sa 11-12, Michael Gabriel Lozada at Kira Ellis sa 9-10.
No comments