FORT DEL PILAR, Baguio City,Philippines
- Pangungunahan ni Pangulong Duterte ang graduation rites ng Philippine Military Academy (PMA) ngayong umaga (Linggo) sa lungsod na ito.
Ito ang ikalawang pagkakataon na makatuntong si Pangulong Duterte sa PMA bilang pangulo ng bansa, ang una ay ng dumalo ito sa PMA homecoming na inorganisa ng PMA Class 1967 kung saan ay naging adopted member siya nito.
Walong kababaihan ang pumasok sa top 10 ng PMA Salaknib Class of 2017 sa pangunguna ng validectorian nitong si Cadette Rovi Mairel Valino Martinez ng Cabanatuan City. Siya ang ikaaapat na babaeng naging valedictorian ng PMA. Si Martinez bilang valedictorian ang tatanggap ng presidential saber mula kay Pangulong Duterte.
May kabuuang 167 na kadete ang miyembro ng PMA Salaknib Class of 2017 na magma-martsa ng alas-7:00 ng umaga sa Borromeo field.
Ang nasa top 10 ng Class of 2017 ng PMA ay sina Rovi Mairel Valino Martinez, Navy, Cabanatuan City; Philip Modesto Viscaya, Army, Ligao City, Albay; Eda Glis Buansi Marapao, Navy, Baguio City; Cathleen Jovie Santiano Baybayan, Army, San Fernando, Pampanga; Carlo Emmanuel Manalasan Canlas, Air Force, Pampanga; Shiela Joy Ramiro Jallorina, Air Force, Bagabag, Nueva Vizcaya; Sheil Marie Calonge de Guzman, Army, Manaoag, Pangasinan; Joyzy Mencias Funchica, Air Force, Butuan City; Resie Jezreel Arrocena Hucalla, Air Force, Compostela Valley; at Catherine Mae Emeterio Gonzales, Air Force, Zamboanga City.
No comments